Kung gusto nating baguhin ang ating buhay, at ang ating mga sarili, kailangan nating humabi ng bagong mga kuwento at iwanan ang makalumang mga kuwentong nananaig sa atin.

Anong mga kuwento ang dapat na nating palitan at kalimutan? Mga kuwentong paulit-ulit at tila nakaukit na sa ating mga puso, isipan at kaluluwa, parang mahirap talikuran pero sa totoo lang, kayang-kaya, paniwalaan mo lang ang mas mapagpalaya at bagong mga kuwento.

Ang unang gusto kong palitan ay ang mga kuwentong nakapalibot sa premise na tayong mga Pilipino ay MAHIRAP, nakaugat sa “poverty-consciousness”. Nakakatawang isipin na marami pa rin ang naniniwala dito. Sa totoo lang, hindi lang ang mga nasa iskwater ang naniniwala dito, kahit ang mga nasa middle class, at marami pa rin na nasa upper class. Kung naniniwala ang mga elitistang mayaman na sila, e di sana di na sila patuloy na nangangamkam ng yaman ng iba? Halos lahat siguro ng Pinoy nanggagaling sa “lack” mentality na ito. Palaging ang nakikita yung WALA, imbes na matuwa at magpasalamat sa kung anong meron, kung ano ang nariyan. Syempre, matagal rin akong guilty diyan, at sa totoo lang hanggang ngayon struggle pa rin, at patuloy ang proseso ko ng pag-unlearn. Sa kaibuturan kasi ng ating mga gawain, kilos at pakikisalamuha sa kapwa, nariyan ang pakiramdam at kaisipan na nangangailangan, at naghahanap para mapunan ang kakulangan.

Ngunit, ano ang katotohanan? MERON, tayo ay tunay na MAYAMAN. Pero dahil naniniwala tayong wala, at mahirap tayo — e di yun ang nangyayari, yun ang realidad na nalilikha natin –isang bayang SALAT, at mga taong nagdarahop, nakatanghod sa labas at sa iba upang isalba tayo at iahon. Pero, ang kahirapan at kawalan ang tunay na ilusyon. At habang naniniwala tayo sa ilusyong ito, sa kuwentong ito — ang buhay natin ay nananatiling nakakulong sa mga konseptong nagpapatotoo at nagbibigay-buhay sa kuwento ng kahirapan.

Ang ikalawa, at palagay ko’y ang pinakaimportante sa lahat — na tayo ay WALANG KAPANGYARIHAN, o tayo ay TAO LAMANG. Dito nakaugat ang napakaraming kuwento ng biktima at mambibiktima, ng api at nangaapi, ng mapangabuso at kawawa, at kawalan ng lakas ng loob para baguhin ang sariling sitwasyon. Paikot-ikot, at nakakasawa nang kuwento ng kawalang-kuwenta ng tao. Matutuwa tayo kapag nanaig ang kawawa laban sa mapangaping kalaban, at makikita natin na kinalaunan ang kawawa naman ang malulunod sa kanyang sariling kapangyarihan at mang-aapi ng iba. Sapagkat ang kuwento ng power-over ay kuwentong walang katapusan, isang gulong ng palad na pasikot-sikot at walang direksyon.

Tayo ay Tao, nilikha sa imahe ng Diyos, Bathala, Sansinukuban –kaya’t TAYO AY TUNAY NA MAKAPANGYARIHAN. Kapag dito nagmumula ang ating mga kuwento, bumubukas ang ating puso at isipan upang pagbigyan ang sariling lakas at kakayahang likhain ang sarili nating pamumuhay at pagkatao. Hindi tayo nakatali sa opinyon ng ibang tao, institusyon, kahon. Nagkakaroon tayo ng lakas, tapang, paniniwala, at pagtitiwala sa sarili upang muling mangarap, at isakatuparan ang mga pangarap na ito. Ang mga kuwentong ating lilikhain para sa ating mga sarili ay nagsisilbing ilaw at inspirasyon para sa ibang mga tao upang likhain din ang kani-kanilang mga kuwento na batay sa kanilang tunay na lakas at pagkatao.

Ang ikatlong di nakakatulong sa atin at lalo na sa ating mundo ay ang paniniwala sa PAGKAKAHIWA-HIWALAY o Separation. Ito ang impluwensyang nagtutulak sa napakaraming kuwento na nagdudulot ng pagkasira ng ating kalikasan, pagpapatayan, at kawalan ng respeto sa buhay. Bagamat ipinakikita sa mga kuwentong ito ang epekto o consequences ng ating mga ginagawa, ang pangunahing premise ng separation ay hindi naman pinag-uusapan.

Samantalang kung ang pangunahing konsepto ng KAISAHAN ang nagtutulak sa ating mga kuwento, makikita ang kakaibang pamumuhay na ibubunga nito. Isang mundo na walang nananakit at naninira, sa halip ay kumakalinga sa bawat isa, sa lahat ng may buhay, sa lahat ng nakikita at di nakikita. Sapagkat lahat ng ating kilos, iniisip at nadarama ay makakapekto sa lahat ng ating mga kasama, nakikita man o di nakikita. Ang mundo ay kasabay na nililikha ng ating pagkatao, at pakikisalamuha dito.

Marami pang magandang banggitin, subalit kung pagtutuunan lamang kahit ang tatlong ito ay tiyak na panibagong mundo ang ating mararanasan. Sapagkat ano nga ba ang ating buhay kundi mga kuwentong nagaganap hanggang sa marating ang Wakas, upang gumawa ng panibagong yugto, o panibagong aklat.

A short tribute for the Mindanao Massacre victims — and the Filipino people who were plunged yet again into darkness.

But slowly, and surely, all these events trigger continued awakening in each of us. Opening our eyes, hearts and minds to understand that we are much more than what we see, feel and think right now. We are much more than all these disasters, diseases, violence, hate, anger, guilt, worry, doubt and fear.

The darkness and pain help in showing us our real Self –that which is forever joyous, abundant, truthful, loving. The Self that knows only Love, and understands that everything else is an illusion. This world that we are in is a world of our creation, a matrix of our own making, and a world that does not represent anymore our deepest desires and our true nature.

We must enjoin in creating a new world, starting with a new Philippines where we do not kill one another, nor even think ill of any being because there we recognize our ONENESS. Where the only Truth that will give us Joy is LOVE, which is in fact our true nature, our very essence.

Ayon sa isang inspirational message mula sa DailyOm, “Trust in the Universe, that although things seem to be slow, or not going the way you want it to, trust that it is for your best interests.”

Sakto.

Nakakatawa talaga ang “blog ng Universe”, daig tayo. Kahit saan ka magpunta, saan ka sumuot, kahit na anong oras pa yan, maririnig mo at mararanasan mo ang iniisip at sinasabi ng Sansinukuban sa atin. Syempre, yun e kung nakikinig ka. Kailan ko lang natutunang makinig, siguro nung panahon na naghahanap na ako ng mga sagot, tinulungan na ako ng Universe para matutunan ko kung paano makinig. At ngayon, iyan ang sandigan ko para sa aking pagkilos sa mundo.

Natuto ako na kapag may gusto tayong gawin, hindi sapat na gusto lang natin ito. Kailangan nating makipadiyalogo sa Sansinukuban para ma-guide tayo kung paano ito maisasakatuparan. Syempre, minsan maaari ding hindi pala ito ang makabubuti sa atin.

Naalala ko nga, may naka-schedule kaming Global Youth Conference dapat week ng Sept 21-27,  na early this year pa lang handa na ang mga plano. Pero hindi siya matuluy-tuloy. Imbes na ma-frustrate, naisip ko na hindi pa siguro panahon, at ipapaubaya ko na lang sa Sansinukuban. Syempre, isipin mo na lang kung nagpumilit ako. Tsk-tsk, e di malaking problema pa ang inabot ng conference na iyon. At, hmmm…sa Rizal pa ang venue na naisip namin noon ah. Thank you Universe talaga!

Sa araw-araw na pamumuhay, malaking tulong ang pakikinig, mula sa major events, hanggang sa mga simpleng bagay tulad ng magdadala ba ako ng payong…o matutulog imbes na lumabas ng bahay. Nung september 26, sabi ng katawan ko: “matulog ka na lang, masarap ang panahon”. At nung bandang gabi ko na lang nabasa ang mga balita mula sa facebook, at pati ang mga text ng mga kaibigan at pamilya.

Kaya’t ipinauubaya ko ngayon ang kung anumang magaganap sa aking buhay sa susunod na mga araw sa Sansinukuban. Hindi naman sa nagtatamad-tamaran ako, o di na gumagalaw, dahil kapag gumalaw naman talaga ako e todo-todo. Pero, sa bawat pagkilos ko, nakikinig muna ako, at nakikipag-chat sa Universe.

Masaya! Subukan niyo.

Pakinggan ang Universe, at pakinggan ang katawan niyo. They operate on the same level. Because we are basically made of the same stuff. Of spirit, and matter.

Makinig. Kailangan lamang nating makinig, at mag-obserba, at kumilos ayon sa ating naririnig at nao-obserbahan.

Kalimutan na ang nakasanayan, yung dating ikaw lang ang masusunod, at pinipilit ang gusto kahit wala namang patutunguhan.

Ganyan na nga ang kalakaran ng buhay ngayon. May inspirasyon ka, handa kang gawin ang lahat para maisakatuparan ang inspirasyon at “vision” na iyong natanggap, at katapat nito ang angkop at mabilisang pagkilos, o aksyon.

Kung babalikan ko ang buhay ko nito lamang taon, ang layo na nang narating ko. Ni hindi ko maubos maisip ang layo ng sitwasyon ko noon sa ngayon. Ang lawak ng pagkakataong inihain sa akin ng tadhana. Napakaliit ko noon, napakakipot ng ginagalawang mundo, bagamat akala ko ay napakalaki na nito, at napakalaki na ng papel na ginagampanan ko…may hihigit pa pala, at walang limitasyon ang maaaring maabot nito.

Maraming pagkakataon ang biglang dumadating sa atin. Bigla dahil ikinagugulat natin, pero sa totoo lang, tinawag natin ito sa ating realidad. Tayo ang humiling nito, sa pamamagitan ng ating mga taos na dasal at pakikipag-dayalogo sa Uniberso, Sansinukuban, at sa Bathalang may lalang.

Kaya’t napakahalaga ng Katahimikan. Sa katahimikan mo lamang maririnig ang bulong ng inspirasyon, upang lumakas ang iyong pananalig sa iyong kakayahan at gumawa ng angkop na aksyon, kaagad. Maniwala ka lang na ang kabutihan mo lamang ang hangad ng Sansinukuban.

Sa totoo lang ang negatibo ay nasa isipan lang natin. At ang negatibo makikita lang natin sa buhay natin kung hahayaan itong parating laman ng ating isipan. Ngunit kapag isasantabi, at babale-walain, hindi magaganap ang mga negatibong pangitain.

Think Positive. Oo. At mas malalim pa doon ay ang BE POSITIVE, ALWAYS. Ito ang susi upang maging positibo ang lahat ng nagaganap sa buhay mo. Kapag inisip mong maliit ka, mahina, at walang kapasidad –iyon ang magiging realidad mo. Kaya’t ikaw talaga, tayo, ang pumipili ng ating buhay.

Ngayon nga, sa patuloy na pagpapalakas ko sa aking sariling paniniwala sa kabutihan at kagandahan ng mundo, ito ang humaharap sa akin. At kahit may makasalubong akong tila di kanais-nais ay madali ko itong natatawid at nalalampasan.

Patuloy akong nakikinig at tila nagiging klaro ang aking misyon. Kapag naka-Align ang iyong ginagawa, iniisip at nadarama sa iyong misyon, ang lahat ng bagay ay dumarating upang isakatuparan ito.

Lahat tayo ay patungo sa buhay na mabuti para sa atin, bawat isa, tayong lahat. Maniwala lamang tayo. Makinig, Magtiwala, at buong tapang na kumilos patungo sa maganda, at maginhawang buhay.

Haay, nakakatawa na lamang na isipin…parang ang layo na nga ng aking nilakbay. At mas malayo pa ang lalakbayin, pero ako ay nasa tamang landas na.

Busy.
Hectic.
Walang oras.

Bakit ganito lagi ang sagot natin?

Poor.
Kapos.
Walang pera.

Bakit pareho?

Pagod.
Stressed.
Walang energy.

Nagtataka ka na rin ba?

What has happened to LIVING?
Ganito nga ba ang mabuhay?
Parang hindi sa atin ang buhay natin.
Para tayong puppets na pinagagalaw ng iba.
Ng Boss, Ng Traffic, Ng Pera, Ng Obligasyon sa Anak,
Pamilya, Trabaho, Bayan.

Shouldn’t we be able to choose how we live?
Bakit hindi?
Minsan ka na nga lang mabuhay,
hindi mo pa magagawa ang gusto mong gawin?
Eh di mabuti na lang na di ka nabuhay?
Bakit pa tayo nabuhay sa mundong ito?
Para magpaalipin, maghirap,
magkumahog at manikluhod sa iba?

Hindi ah! No way!

Mahirap? Definitely.
Pero pagkatapos ko bang sabihin na mahirap titigil na ako?
Syempre hindi rin. Kailangan kong gumawa ng paraan.
Kailangan kong baguhin ang ganitong buhay!
Paano? Eh di sisimulan ko sa pagbabago ng isip ko.

HINDI NA AKO MANINIWALANG
NASA KAMAY NG IBA ANG BUHAY KO.

Wala sa pamilya ko. Wala sa mga kaibigan ko.
Wala sa boss. Wala sa organisasyon.
Wala sa simbahan. Wala sa mga kamag-anak.
Wala sa may pera. Wala sa gobyerno.
Wala sa kaninuman.

NASA AKIN.

Ngayong bago na ang isip ko,
ibubukas ko ang sarili at buhay ko
sa kung saan magandang pumunta.
Saan ko nararamdaman at naiisip na pumunta.
I will choose where to go. And what to do with my life.
I will go where I feel MOVED to go. MOVED to ACT.

Moved by my higher self. By the Universe.
By Providence. By God. By the Supreme Being.
By the I AM.

I will MOVE according to my PASSION.
According to what I love to do. Moved to act with Love.

Resign. Leave. Choose differently.
Go back to our childhood wishes and dreams. Face our fears!

Mabubulok at mabubulok ka sa
isang gawaing hindi mo gustong gawin.
Mananatili kang nakatili sa sitwasyong
pinipilit mo ang sarili mong manatili at gustuhin.

Walang mali, walang masama,
walang nagsasabi na hindi tama ang ginagawa mo.
Ang tanong lang naman gusto mo ba ang napili mong gawin?

O pinili mo ba ang gusto mong gawin?

Sagutin mo lang na simple at totoo.
With an open and honest heart.

Then…CHOOSE. MOVE. ACT.

Wow. Totoo na ito. Pinasok ko na ang mundo ng blogging. Syempre sana tamang oras ako nagbo-blog. E, kaso, ano nga ba ang tamang oras. At dahil ganitong oras nga, walang masyadong kuwenta ang mga sinusulat ko. Gusto ko lang baguhin ang “hello world” na naka-default. Hahaha. Kaso, parang mas matino pa ang hello world kaysa dito. Basta, welcome to wordpress!

Kumusta naman, medyo malayu-layo pa ang lalakarin ko, at ika nga e kakainin kong bigas para masabing blogger ako. Ang dami ko pang aaralin at iintindihin. At syempre pa, ang oras na gugugulin dito. A whole new world talaga ang blogging.

Sa ngayon, matutulog muna ako. At masyadong magulo ang mga laman ng utak na inaantok.

Daloy ng Diwa

dito puwedeng pagusapan ang mga konseptong di basta naikukuwento, hindi dahil bastos kundi kakaiba, at minsan di masakyan. maraming naglalaro sa isipan natin lalo na't bukas tayo sa kakaiba at makabagong mga pananaw sa buhay...halina't pagusapan natin!

 

Pebrero 2010
L M M H B S L
« Ene    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728

Imbakan

Nangingibabaw na Paskil

Blog Stats

  • 237 hits

Mga Pahina